Monde Nissin

Get Lucky Be Happy



The More Lucky Me The More Lucky You

HOW TO JOIN?

Paano ba sumali?

  • Bumili lang ng kahit anong variant ng Lucky Me! Instant Noodles simula Enero 12, 2009
  • Siguraduhin na may naka-markang Get Lucky Be Happy promo sa labas ng wrapper ng Lucky Me! Instant Noodles upang magkaroon ng tsansang manalo
  • Hanapin ang pop-up card sa loob ng pakete upang malaman kung ikaw ay may napanalunan

WHAT ARE THE PRIZES AT STAKE?

Ano ba ang maaaring mapanalunan?

  • Maaaring manalo ng instant cash na nagkakahalaga ng P100,000, P10,000,  P5,000, o
  • Langhap-sarap Jollibee favorites like 1-pc Chicken Joy with Rice, Yumburger, Jolly Krunchy Twirl o P5-discount

HOW WILL I KNOW THAT I WON?

Paano ko malalaman na ako ay nanalo?

  • Buksan ang promo wrapper ng anumang variant ng Lucky Me! Instant Noodles at hanapin ang pop-up card sa loob
  • Buksan ang pop-up card upang malaman kung ano ang napanalunan

WHAT’S INSIDE THE POP-UP CARDS?

Ano ang nakasulat sa pop-up cards?

  • Ito ang mga maaaring makita na nakasulat sa inyong pop-up cards:
    • P100,000
    • P10,000
    • P5,000
    • 1-pc Chicken Joy with Rice
    • Yumburger
    • Jolly Krunchy Twirl
    • P5-discount
    • Try your luck again! You may be the next winner!
    • Try your luck again! Lots of prizes to be won!
    • Try your luck again! You might win on your next pack!
  • Lahat ng winning coupons ay may special security markings for proper validation and authentication.

 

WHAT DOES “TRY AGAIN….LOTS OF PRIZES TO BE WON” MEAN?

Ano ang ibig sabihin ng “try again…lots of prizes to be won”?

  • Ang ibig sabihin nito ay patuloy na bumili ng Lucky Me! Instant Noodles at sa susunod ay baka swertihin kayo na manalo ng iba’t ibang premyo na handog sa inyo ng Lucky Me! Instant Noodles.

WHERE CAN WE REDEEM THE PRIZES?

Saan namin makukuha ang aming napanalunan?

  • Para sa cash prizes, ito ay maaaring makuha sa pinakamalapit na Monde Nissin Corporation offices o sa mga distributor offices (see directory)
  • Para sa Jollibee favorites at discount, ito ay makukuha sa lahat ng branches ng Jollibee nationwide
    • Hindi na kailangan bumili ng ibang produkto para mag-claim ng premyo para sa mga free items tulad ng 1-pc Chicken Joy with Rice, Yumburger at Jolly Krunchy Twirl;
    • Para sa mga discount coupons, kailangan bumili ng alinmang produkto sa Jollibee para ma-avail ang discount; ang discount coupon ay hindi maaaring ipagpalit katumbas ng pera;
    • Kung sakaling walang Jolly Krunchy Twirl sa napuntahang Jollibee Store, ito ay maaaring gawing ‘discount’ coupon katumbas ng Php 15.00 o di kaya naman ay lumipat sa ibang Jollibee branches na meron nito;
    • Hanggang 10 coupons lamang ang maaaring ipagpalit sa bawat transaction;

HOW CAN I REDEEM THE PRIZE THAT I WON?

Paano ko makukuha ang aking napanalunan?

Cash

  • Para sa cash prize, tumawag sa Customer Hotline ng Lucky Me! (816-4466 (Metro Manila) or Toll Free 1800-1888-7770 (Provincial),           Mon-Fri, 9:00am – 5:00pm para ipa-validate ang winning card sa pamamagitan ng serial number o code na nakasulat sa inyong winning card
  • Hintayin ang muling pagtawag ng Customer representative pagkatapos ng 2-3 araw mula ng inyong unang pagtawag para malaman kung valid o authentic ang winning card. Kung valid, sasabihin din ng Customer Representative kung saan ang pinakamalapit na office na maaaring i-redeem ang cash prize
  • Magdala ng ID or any proof of identification kasama ng winning card
    • Ang mga valid Identification Cards ay alinman sa mga sumusunod:
      1. School ID
      2. SSS ID
      3. TIN ID
      4. Philhealth
      5. Driver’s License
      6. Passport
      7. Government or Company ID’s
  • Para sa mananalo ng P10,000 at P100,000, kailangan ng TIN ID o BIR Form 2316 bukod sa ID para ma-claim and prize

Jollibee

  • Ipakita lamang ang wining card na nagsasaad ng Jollibee item na napanalunan sa alinmang Jollibee branch nationwide.
  • Hintayin na ma-validate ng Branch Manager ang winning card gamit ang security markings

Lahat ng winning cards ay kailangan i-surrender sa redemption office o Jollibee branch pagkatapos makuha ang prize.

Kung sakaling wala o hindi tugma ang security marking ng inyong winning card, maaari ninyong iwan ang nasabing coupon para maidaan sa mas masusing pagsusuri ng management ng Lucky Me! Lahat ng mga kaukulang personal na impormasyon (Pangalan, Address, Contact Details) ninyo ay ire-register bilang pagsang-ayon sa karagdagang validation process na gagawin.

WHEN IS THE LAST DAY OF CLAIMING OF PRIZES?

Hanggang kailan maaaring makuha ang premyong napanalunan?

  • Maaaring makuha ang prize hanggang Mayo 15, 2009.

WHO CAN JOIN THE CONTEST?

Sino ang pwedeng sumali?

Lahat ay pwedeng sumali maliban sa empleyado ng Monde Nissin Corporation, MNC distributors at empleyado nito, at mga ahensyang kasali sa promo pati na ang kanilang mga kamag-anak hanggang sa second degree of consanguinity.

Back to top